Ang hiral maging Middle Class dito sa Pilipinas

I heard about the news na magbibigay daw ang gobyerno ng dagdag na ayuda thru 4Ps program sa mga low income/no income nating kababayan as they increase number of children.

Sobrang nakakagalit to. Hindi naman sa pagiging madamot. Yes tama naman na tulungan ang mga mas naghihirap na kapwa pilipino pero not in this way na it incentivize them to get pregnant. If ang issue ay ang kalusugan ng mga bata, ilaan sana ang pondo sa mga feeding program at nutrition sa public schools at added services sa health centers.

Tapos nakadagdag pa ng galit ay naginquire ako to apply sa Government housing programs at outright sinabihan ako na di daw ako eligible because I'm not poor enough to get housing subsidy. Samantalang nakikita ko sa news ang daming unawarded na pabahay na nasira na lang kasi when they award it gusto ng mga pinagbigyan, libre na lahat, gusto nila wala na monthly rent, gusto libre na lahat pati utilities at yung iba nagdedemand pa na bigyan sila ng trabaho na malapit dun sa bagong relocation.

Tapos nabalitaan ko pa na may panukala ka iextend ang Philhealth benefit sa 4Ps members. Samantalang kapag member ka na regular na naghuhulog kakarampot lang binabawas ng Philhealth. Kapag naospital ka at pinili mo sa private room mas lalong babawasan yung ikakaltas ng Philhealth kasi katwiran nila if gusto daw na mas malaki ang diskwento sa public charity ward ka dapat.

Naging mahirap din kami at dinanas ko lahat ng pinagdadaanan ng mahihirap. Probinsyano lang ako na nagsikap magaral at makapagtapos at nagtrabaho ng husto at naiahon ng konti ang sarili at pamilya sa hirap.

Grabe hirap maging middle class Filipino. Overworked and underpaid ka and you are not poor enough to get government benefits and not rich enough to enjoy certain basic comforts in life.

So please lang panawagan sa mga makakabasa nito, wag na magbulagbulagan, alam naman natin kung sino ang kurap at walang nagawa na opisyal ng gobyerno. Please wag na po natin sila iboto.